Tiniyak ng Estados Unidos ang patuloy na suporta sa pagmantini ng mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) para ma-maximize ang kanilang presensya sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Ito ang inihayag ng U.S. Embassy kasunod ng inagurasyon ng bagong ₱54-milyong pisong halagang Fleet Maintenance and Repair Group (MRG) Workshop ng PCG.
Ang pasilidad ay pinondohan ng U.S. Department of Defense sa pamamagitan ng Joint U.S. Military Assistance Group-Philippines, na may karagdagang pondo para sa kagamitan mula sa US Department of State Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs.
Ang pasilidad na dinisenyo ng US Coast Guard ay may 400 metro kwadradong istraktura sa Cavite Buoy Base sa Sangley Point, na may machine shop, welding shop, electrical shop, staff office space, at storage room.
Sinabi ni US Deputy Chief of Mission Robert Ewing na ang MRG workshop ay magpapahintulot ng mas-reliable na operasyon ng mga barko ng PCG kontra sa iligal na pangingisda at iba pang iligal na aktibidad ng mga agresibong estado, at makakatulong sa mas malawak na domain awareness. | ulat ni Leo Sarne
📸: US Embassy