Hindi pabor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga isinusulong na panukala na lagyan ng water cannon ang mga vessel ng Pilipinas, sa gitna ng ilang ulit na paggamit ng China ng water cannon sa mga sasakyang pandagat ng bansa.
“No. What we are doing is defending our sovereign rights and our sovereignty in the WPS, and we have no intention of attacking anyone with water cannons or any other such offensive,” — Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, hindi tutularan ng Pilipinas ang ginagawa ng China.
“We have to call them weapon dahil nagkaka-damage na, so no, that is not something that’s in the plan. The last thing we would like is to raise the tensions in the WPS. Thats the last. And that would certainly do that, so hindi natin gagawin,” — Pangulong Marcos.
Ang misyon aniya ng Navy at Coast Guard ng bansa ay nakatutok sa pagbabantay ng karapatan at soberanya ng Pilipinas, at hindi ang pag-atake sa anumang bansa.
“We will not follow the chinese coast guard and the chinese vessels down that road because it’s simply, it is not the mission of our navy, our coast guard to start or increase tensions. Their mission is precisley the opposite, is to lower tensions,” — Pangulong Marcos Jr.
Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos Jr, ikinokonsidera ng pamahalaan na armas ang water cannon dahil nakakapinsala ito, kaya’t hindi ito kasama sa plano ng bansa.
Nananatili aniya ang posisyon ng Pilipinas na pagsusulong ng kapayapaan sa WPS, at hindi na dumagdag pa pagpapataas ng tensyon sa rehiyon.
“That’s why, all we do is pagka-nangyayari, wina-water cannon yung mga barko natin ay nagpapadala tayo ng demarche, nagpapadala tayo ng sulat sa China and other stakeholders. So that will be the opposite of what we are trying to achieve,” -Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan