Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board na magsagawa ng rebyu sa tinatanggap na minimum wage ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga lugar.
Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo sa pagdiriwang ngayong Araw ng Paggawa, inihayag nitong dapat gawin ang hakbang bilang konsiderasyon na din sa epekto ng inflation.
Dapat aniyang gawin ito sa loob ng 60 araw bago ang pagsapit ng anibersaryo ng pinakahuling wage order.
Kasama rin ang National Wages and Productivity Commission sa binigyang direktiba ng Pangulo na magsuri ng kanilang tuntunin upang matiyak na napapanatili ng board nito ang inaasahang schedule ng wage review at paglalabas sa resulta into.
Ito ay upang maiwasan ang kawalan ng katiyakan at mas mapahusay ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga stakeholder. | ulat ni Alvin Baltazar