Tatapusin sa susunod na apat na taon ng administrasyong Marcos ang pamamahagi ng benepisyo para sa mga agrarian reform beneficiaries.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng tuloy- tuloy na pamamahagi ng pamahalaan ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka.
Napakatagal na, sabi ng Chief Executive, ang pinaghintay ng maraming magsasaka para makuha ang kanilang lupang sakahan kaya’t sisiguraduhin aniya niyang tutuparin ng pamahalaan ang pangako nito na may kinalaman sa repormang agraryo sa buong bansa.
Sa taong ito, sabi ng Pangulo, ay nakapamahagi na ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng mahigit 15,000 ektarya ng lupa sa mahigit na 9,000 benepisyaryo sa buong bansa.
Kahapon ay nasa higit 8,000 mga benepisyaryo sa Dumaguete at Tacloban City ang nakinabang sa ipinamahaging mga titulo ng lupa. | ulat ni Alvin Baltazar