Patuloy ang ginagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard sa motorbanca na Mike Denmark na may sakay na tatlong katao na nawawala noon pang Lunes habang kasagsagan ng bagyong Aghon sa Quezon Province.
Ayon sa PCG District Southern Tagalog, huling nakuha ang impormasyon sa naturang motorbanca sa karagatan ng Barangay Calutcot bayan ng Burdeos Quezon Province matapos silang magkubli dahil sa sama ng panahon.
Sa ngayon, doble time na ang ginagawang paghahanap ng Coast Guard kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction, Management Office, local police, at Bureau of Fire Protection ng Bayan ng Burdeos.
Nakipag-ugnayan na rin ang PCG Northern Quezon sa mga kalapit na sub station nito at iba pang mga awtoridad para maghanap ang nasabing motorbanca.
Umaapela ang PCG sa sinumang makakita na agad ipagbigay alam sa kanila o kaya ay sa mga awtoridad. | ulat ni Michael Rogas