PDEA, nagbabala sa publiko kaugnay sa paglaganap ng ‘Magic Mushrooms’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko laban sa paggamit, pagbebenta, at pagtatanim ng “magic mushrooms.”

Ayon sa PDEA, bukod sa panganib sa kalusugan, ipinagbabawal din ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Kasunod na rin ito ng isinagawang buy-bust operation ng PDEA noong May 18 sa isang beach resort sa Barangay Galongen, Bacnotan, La Union.

Ito ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga lollipop, chocolate bar, at gummy bear na pinaniniwalaang may halong ‘magic mushrooms’ na isang mapanganib na droga.

Kasama na rin sa nakumpiska ang marijuana, ecstasy, at cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng ₱145,000.

Pitong katao kabilang ang isang dayuhan ang naaresto rito.

Batay sa imbestigasyon, itinatanim ng mga suspek ang mga mushroom habang aktibong isinusulong ang paggamit ng microdosing para sa panggamot.

Ibinebenta rin nila ang mga mushroom sa pamamagitan ng social media na umano ay may “therapeutic benefits.”

Pinaigting ng PDEA ang kanilang pagbabantay sa mga psychedelic mushroom, at humihingi ng tulong sa publiko na ipagbigay-alam ang mga ganitong insidente. | ulat ni Diane Lear

Photos: Pfc Carmelotes/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us