Binibigyang babala ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ang mga Pinoy na bibiyahe sa bansang Israel na suspendido muna ang mga non-essential travel sa mga panahong ito dahil sa mga kaganapan doon.
Kasama sa mga sinasabing non-essential travel ay ang pagsasagawa ng mga pilgrimage, tour, at volunteer work sa Israel.
Binigyang-diin ng Embahada na hindi nito matitiyak ang kaligtasan ng mga babiyaheng turista o volunteers sa mga panahong ito.
Bukod dito, nagbigay alerto rin ang Bureau of Immigration dito sa Pilipinas ukol sa pag-iwas sa mga modus ng ilang indibidwal, organisasyon, at mga tour company na nagpro-promote pa ng paglalakbay patungong Israel sa kabila ng pagbabawal nito na maaaring ikauwi sa pagka-layoff ng pasaherong magtatangka.
Hinikayat naman ng Embahada ang mga Pilipino na unahin lagi ang kanilang kaligtasan at sundin ang mga inilababas nitong mga abiso. | ulat ni EJ Lazaro