Philippine Maritime Zones Bill, malapit nang maging batas — Sen. Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pirma na lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kulang para maging ganap nang batas ang panukalang Philippine Maritime Zones Act.

Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, sakaling maisabatas ang panukalang ito ay ito ang magpapalakas sa ‘Atin Ito’ statement ng ating bansa sa mga bahagi ng ating teritoryo.

Pinaliwanag ni Tolentino na sa ilalim ng panukalang ito ay maitatakda ng klaro ang ligal na hangganan para sa ating Navy at Coast Guard para sa pagprotekta ng maritime domain ng Pilipinas kasama na ang mga lamang dagat dito.

Dinagdag rin ng Senate Committee on Admiralty Zones chairperson na makakatulong rin ang pagkakaroon ng maritime zone ng bansa sa pamahalaan na malinang ang potensyal ng tinatawag na blue economy.

Makakapagpatibay rin aniya ito sa claim natin sa territorial disputes.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us