Nagpapaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-doble ingat ngayong matindi ang init ng panahon.
Ayon sa PRC, kung mangangailangan ng medikal na tulong ay maaaring tumawag sa PRC Hotline 143 para sa kanilang ambulance service.
Kaugnay nito muling nagpaalala ang PRC sa mga dapat gawin o first aid laban sa heat stroke.
Una ay tumawag agad sa PRC Hotline 143, ikalawa ay ilipat ang pasyente sa malilim na lugar, ikatlo ay tanggalin o luwagan ang damit ng pasyente, ika-apat ay maglagay ng basang tela o cold compress sa balat ng pasyente, paypayan ang pasyente, at paunti-unting painumin ng tubig.
Samantala, batay sa tala ng PAGASA, umabot sa “danger level” na 41 hanghang 42 degrees celsius ang heat index sa Metro Manila ngayong araw na maaaring magdulot ng heat stroke o heat exhaustion.| ulat ni Diane Lear