Agad nagpadala ng mga food truck ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha at malakas na buhos ng ulan sa Laguna dulot ng Bagyong #AghonPH.
Ayon sa PRC, daan-daan ang nabigyan ng mainit na makakakain sa mga pamilyang tumutuloy sa evacuation centers sa bayan ng Magdalena, Pagsanjan at Liliw.
Habang magpapatuloy naman ang distribusyon ng mainit na pagkain ngayong araw sa iba pang bayan maging iba pang probinsya na naapektuhan ng bagyo.
Samantala, bukod dito, naghahanda na rin ng iba’t ibang kagamitan ang PRC para sa iba pang pangangailangan ng naapektuhan ng bagyo.
Tulad ng relief goods, water tankers, payloader, generators at iba pa.| ulat ni Diane Lear