Nagpaalala si Iloilo Rep. Janette Garin sa publiko na ugaliin ang proper hygiene at nanawagan din sa agresibong flu at pneumonia vaccination.
Ito ay sa gitna ng banta ng Flirt variant ng COVID-19.
Aniya, hindi naman talaga maiiwasan na mag mutate ang virus kaya mahalaga na mapaghandaan ito.
Sabi ng dating Health secretary, kailangan matiyak na may sapat na kakayanan ang health force na tugunan ang mga maitatalang kaso.
Sa kabila naman aniya ng paghihipit ng pagbabantay sa borders, mahirap ito tukuyin dahil na rin sa uso ang seasonal flu, pneumonia at upper respiratory track infections na may kaparehas na sintomas.
Dahil dito mas lalo aniya dapat palakasin ang flu at pneumonia vaccination lalo na sa health care workers, senior citizens at immunocompromised.
Ugaliin din aniya ang pag huhugas ng kamay at pagpapalakas sa katawan upang malabanan ang Flirt variant.| ulat ni Kathleen Forbes