Pilipinas at Argentina, palalakasin ang kooperasyon sa sektor ng agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong sina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. at Argentinian Ambassador to the Philippines Ricardo Luis Bocalandro upang pagtibayin ang kooperasyon sa agrikultura ng dalawang bansa.

Kabilang sa tinalakay sa pulong ang interes ng Pilipinas na mag-export ng mangga sa Argentina at gamitin ang teknolohiya ng nasabing bansa upang mapalakas ang lokal na produksyon ng bigas at mais.

Tiniyak naman ni Ambassador Bocalandro ang kahandaan ng Argentina na tumulong sa pagpapaunlad ng agrikultura ng Pilipinas.

Bukod dito, pinag-usapan din ang iba pang mga bagay tulad ng pagpapalawak ng kalakalan, mga proyektong teknikal, at mga programa sa pagpapaunlad ng bigas at pangisdaan.

Nagpasalamat naman si Secretary Laurel sa pamahalaan ng Argentina sa kanilang interes sa mga produktong pang-agrikultura ng Pilipinas at sa kanilang kahandaang tumulong sa pagpapaunlad ng lokal na agrikultura. | ulat ni Diane Lear