Matagal nang itinuturing ang Pilipinas bilang mahalagang international o regional player pagdating sa usapin ng geopolitcs.
Pahayag ito ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig sa harap ng gagawing pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa International Institute for Strategic Dialoue (IISS) sa Singapore sa Biyernes (May 31).
Ayon sa ambahador, hindi naman basta na lamang ini-imbitahan ang isang lider ng bansa, upang maging pambungad na talumpati sa talakayang ito.
“We already are, a long time ago, but I am not sure if this is already a recognition or what, I cannot say that with certainty, but you don’t invite somebody here to be the keynote speaker, and that country he represents not being important, so it is also something.” -Macaraig.
Mayroong aniyang bigat kung bakit nai-imbitahan ang isang opisyal na magsalita sa talakayang ito, kung saan pinagu-usapan ang mga global security at defense issues.
Ayon sa ambahador, bago si Pangulong Marcos, ang mga lider ng Australia at Japan, ang naimbitahang keynote speaker noong mga nakalipas na taon.| ulat ni Racquel Bayan