Pilipinas, nananatiling frontrunner sa ASEAN region dahil sa naitalang 5.7% 1st quarter growth – Finance Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muli na naman nagpakitang gilas ang Pilipinas sa ASEAN region dahil sa natamong 5.7 percent growth sa unang bahagi ng taon.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang mabilis na paglago ay bunsod ng malakas na domestic manufacturing sa kabila ng pananalasa ng El Niño.

Aniya, isa sa dapat ipagdiwang ay ang tinatahak ng bansa na maging “premier manufacturing hub” in Asia na magdadala ng positibong resulta sa ating labor market.

Dagdag pa ng kalihim, maliban sa magandang performance ng manufacturing industry suportado rin ng first quarter growth ang lumalagong services sector.

Diin ng Department of Finance Chief, upang mamintina ang high growth trajectory kailangang mag-focus ng bansa sa expansion ng manufacturing at services sector.

Sa kabila ng domestic at external challenges ngayong taong 2024, patuloy na isusulong ng Marcos Jr. Administration ang growth-enhancing strategies upang palakasin ang economic expansion, at tiyaking mananatiling on track ang bansa sa  medium- to long-term goals nito. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us