Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na gagampanan ng Pilipinas ang tungkulin nang may malalim na dedikasyon sa isang mapayapa, makatarungan at patas na kaayusang pandaigdig.
Ito ay sa sandaling mahalal sa isang non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC) ang Pilipinas.
Ginawa ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang pangako sa pagbubukas ng 33rd Session ng United Nations Commission on Crime Prevention and Criminal Justice (CCPCJ33) sa Vienna, Austria noong Mayo 13.
Siniguro din ni Abalos ang buong pangako ng bansa sa paglaban sa terorismo, extremism, trafficking in persons at iba pa.
Nanawagan din ang kalihim para sa united global front and cooperation, sa pagpuna na ito ay mahalaga sa pagtiyak ng tagumpay ng international community laban sa transnational crimes.
Ipinahayag din ni Abalos ang pangako ng gobyerno ng Pilipinas sa multilateralism habang nag-bid ito para sa isang non-permanent seat sa UNSC para sa 2027-2028.
Ang Pilipinas ay dating nahalal bilang non-permanent member ng UNSC noong 1957, 1963, 1980-1981, at 2004-2005. | ulat ni Rey Ferrer