Nasungkit ng Pilipinas ang unang pwesto bilang bansa sa Asya na mayroong maayos na pamamahala sa pondo base sa nakalipas na 2023 Open Budget Survey.
Ang naturang survey ay isang International non government organization International budget partnership na nakabase sa Amerika.
Ang survey ay nakatuon sa transparency, budget oversight at public participation.
Sa kabuuan, nakakuha ang Pilipinas ng score na 75 out of 100.
Sa score na ito, 61 ang tumutukoy sa tamang paglabas ng pondo ng pamahalaan at gumamit ng tamang pamamaraan para malaman ng publiko.
Sa pangkalahatan, nakuha ng Pilipinas ang ika-15 pwesto mula sa 125 mga bansa kung ang pag-uusapan ay budget transparency. | ulat ni Michael Rogas
📷 DBM