Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tama ang tinatahak ng administrasyon upang makamit ang ‘Bagong Pilipinas’.
Bahagi ito ng naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang paglagda ng alyansa sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at LAKAS- CMD.
Ayon sa Pangulo, papunta na ang bansa sa pinapangarap na ‘Bagong Pilipinas’ at malaki ang kinalaman dito ng patuloy na itinataguyod ng kanyang administrasyon na pagkakaisa.
Sa nakalipas aniyang dalawang taon ng pagtataguyod ng pagkakaisa, sabi ng Pangulo ay nagbunga ito ng maganda na kahit noon pang panahon ng kampanya ay siya ring kanilang pinanghawakan.
Mahalaga ayon sa Pangulo ang pagkakaisa at dahil dito ay maraming mga Pilipinong matutulungan at maraming maaaring baguhin. | ulat ni Alvin Baltazar