Mananatili ang mainit na balikatan ng Pilipinas at Singapore sa ilalim ng kapanunumpa lamang na si Prime Minister Lawrence Wong.
Pahayag ito ni Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig, nang tanungin kung ano ang inaasahan ng pamahalaan sa mga bagong lider ng Singapore.
Sa harap na rin ito ng nakatakdang pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Dialogue, sa Biyernes.
“So, there is not much expectations that there much changes in the foreign policy and in the other policies of Singapore. There will probably management changes but proof of the fact that there will be not much changes is that the cabinet of Prime Minister Lawrence Wong is practically the same as the cabinet of former prime minister Lee Hsien Loong.” -Ambassador Macaraig.
Ayon sa opisyal, ang Singapore pinaglalaanan ng panahon ang pagpaplano, pag-aaral, at implementasyon ng kanilang mga programa.
Ibig sabihin, mas nakatutok aniya sila sa pagpapatuloy ng mga polisiya o programa na nakalatag na.
“Of course the only change is that former PM Lee is now senior minister. And of course, since naging prime minister si Prime Minister Lawrence Long he has to replace himself as deputy prime minister with Minister Gan, minister of trade.” -Ambassador Macaraig
Dahil dito, inaasahan rin na magpapatuloy ang mga polisiya at balikatan ng Pilipinas at Singapore na una nang binalangkas sa ilalim ng mga dati nitong lider.
“But essentially the way I see it, it’s business as usual. We think that Singapore will continue its foreign policy and its other policies.” Ambassador Macaraig. | ulat ni Raquel Bayan