Pinsala ng bagyong Aghon sa agri sector, umakyat na sa ₱84-M — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumobo pa sa ₱81.84-million ang naitala ng Department of Agriculture (DA) na halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Aghon sa sektor ng pagsasaka.

Sa datos ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, nasa higit 2,500 metriko tonelada na ang kabuuang volume ng production loss sa sektor matapos masalanta ang higit 900 ektarya ng sakahan.

Nasa 24,514 din ang namatay sa livestock at poultry sector habang may pinsala ring naiulat sa agricultural infrastructure at mga makinarya sa CALABARZON.

Aabot na rin sa 1,482 na mga magsasaka ang naapektuhan ang pangkabuhayan dahil sa kalamidad.

Kasunod nito, tiniyak ng DA na nakikipag-ugnayan na ito sa mga apektadong LGUs para sa agarang paghahatid ng tulong sa mga nasalantang magsasaka.

Kabilang naman sa inisyal na tulong ng DA ang nasa ₱23.06-milyong halaga ng binhi, planting materials at bio-control measures; at Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us