Umakyat na sa P9.5-B ang naitala ng Department of Agriculture na halaga ng pinsala ng El Niño phenomenon sa sektor ng pagsasaka at pangisdaan.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, pinakamalaki pa rin ang pinsala sa rice sector na sumampa sa P4.6-B
Sa kabila nito, pasok pa rin naman sa tantya ng DA ang pinsala sa mga palayan.
Kaugnay nito, ang rehiyon ng MIMAROPA ang nagtamo ng may pinakamalaking pinsala na sinundan ng Cagayan Valley at Western Visayas.
Patuloy pa rin naman ang mga ginagawang hakbang ng DA para matugunan ang epekto ng El Niño na nakapaghatid na rin ng P9.71-B assistance sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
P8.59-B dito ang financial assistance sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) habang aabot naman sa P658.22 M ang halaga ng asisstance para sa production support kabilang ang agri-inputs, mga pataba, at planting materials. | ulat ni Merry Ann Bastasa