Pinsala sa agri sector ng bagyong Aghon, umabot na sa higit ₱22-M — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumampa na sa ₱22.8-million ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Aghon sa sektor ng agrikultura.

Batay sa assessment ng DA, karamihan ng napinsalang sakahan ay mula sa CALABARZON at MIMAROPA Region.

Katumbas ito ng 298 na ektarya ng agricultural areas o production loss na 976 metriko tonelada.

May naiulat ding pinsala sa agricultural facilities sa CALABARZON na nagkakahalaga ng ₱815,000.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang DA sa mga LGU para agarang makapaghatid ng assistance sa mga apektadong magsasaka.

Sa kasalukuyan, mayroon nang inisyal na 556 na magsasaka ang bibigyan ng agricultural inputs at iba pang tulong ng ahensya.

Bukod pa ito sa ide-deploy na ₱23.06-million halaga ng binhi, planting materials, at bio-control measures; at Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us