Tinatayang nasa halos 9.5 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng El Niño.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, ang naturang halaga ay katumbas ng 415.5 libong tonelada ng “production loss” dahil sa tag-tuyot sa mga nakalipas na buwan.
Sa kabuuan, nasa 163.7 libong ektarya ang napinsalang taniman, kung saan 47.8 libong ektarya ang “totally damaged” na walang tsansang maka-rekober, at 115.9 libong ektarya naman ang “partially damaged”.
Dahil dito, nasa 175 libong magsasaka at mangingisda ang apektado sa buong bansa, kung saan pinakamarami ang nasa Region 2 na nasa mahigit 42 libo, kasunod ang Mimaropa region na nasa 28 libo.
Aabot naman sa 1.13 bilyong pisong tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad sa Region 1, 2, 3, Mimaropa, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR). | ulat ni Leo Sarne