Nagbabala si SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta sa plano ng Miru Systems na gamitin ang tinatawag na “two-systems-in-one” sa 2025 Midterm Elections.
Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform, sinabi ni Marcoleta na kung pahihintulutan ito ng COMELEC ay posibleng malabag ang Automated Election Law.
May isang ulat aniya siyang nabasa na sa unang pagkakataon ay balak ng Miru na gamitin ang kombinasyon ng Optical Mark Reader (OMR) at Direct Recording Electronic (DRE) automated counting machines.
Ngunit hindi pa ito nagagamit o nasusubukan ng Miru sa ibang hurisdiksyon.
Kaya aniya kung ipipilit na gamitin ang two-systems-in-one nang walang patunay na nasubukan na ito ay malinaw itong paglabag sa Automated Election Law. | ulat ni Kathleen Jean Forbes