PNP Anti-Kidnapping Group, may paalala sa mga mahilig maglaro sa casino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang mga mahihilig maglaro sa Casino na umuwi na lamang kapag natatalo at iwasan ang mangutang.

Ito’y upang hindi na matulad pa sa sinapit ng isang Chinese national na dinukot at ikinulong ng sarili nitong mga kababayan matapos na maibalik ang hiniram nitong pera.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Director, Police Brigadier General Cosme Abrenica, hindi na bago sa mga Casino ang pagpapautang sa mga natatalo sa sugal.

Subalit nagkakaroon na aniya ng problema sakaling hindi agad naibabalik ng biktima ang inutang na pera kaya’t humahantong sa paggawa ng hindi maganda ang mga “loan shark.”

Magugunitang nasagip kamakailan ng mga tauhan ng PNP-AKG ang biktima matapos nitong magawang makatawag ng biktima sa kaniyang mga kamag-anakan para humingi ng pera kapalit ang kanilang kalayaan.

Naaresto ang dalawang suspek na pawang mga Chinese national din na nahaharap sa mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention. | ulat ni Jaymark Dagal

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us