PNP Maritime Group, rumesponde sa mga nasalanta ng bagyong Aghon sa Quezon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa anim na pamilya ang nasagip ng Phlippine National Police Maritime Group matapos ang pagragasa ng matinding baha sa Brgy. Dalahican, Lucena City sa Quezon Province kahapon.

Ayon kay PNP Maritime Group Director, Police Brig. Gen. Jonathan Cabal, binubuo ang anim na pamilya ng 21 indibidwal na hindi na nagawang makalikas matapos abutan ng pagtaas ng tubig baha.

Dahil sa walang patid na pag-ulan, nagresulta ito sa biglaang pagbaha dahilan upang kagyat silang magsagawa ng rescue operation.

Agad namang dinala ang mga nasagip na pamilya sa Dalahican Annex Elementary School na siyang pansamantalang Evacuation Center sa lugar.

Nagpadala naman ng hotmeals at kaukulang ayuda ang Lokal na Pamahalaan para sa mga apektadong residente.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us