Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pulis na nasawi sa engkuwentro sa Maguindanao del Norte kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagluluksa ng Philippine National Police (PNP) ang pagpanaw ng isa nilang kasamahan matapos ang nangyaring engkuwentro sa Barangay Poblacion 2 sa Parang, Maguindanao del Norte kahapon.

Kinilala ng PNP ang nasawi na si Police Captain Roland Moralde, miyembro ng Regional Mobile Firce Company 14 sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM).

Ayon sa PNP Public Information Office, nangyari ang insidente dakong alas-11 ng umaga kahapon nang sitahin ni Moralde ang isang nakilala sa pangalang Mohiden Ramalan Untal na may bitbit na baril habang naglilibot sa palengke.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng lalaki at ng pulis na nauwi sa engkuwentro na nagresulta naman sa malubhang pagkakasugat ng dalawa.

Nabatid na maliban kay Untal, may ilan pang lalaki ang lumutang sa kasagsagan ng engkuwentro.

Nagawa pang dalhin sa ospital si Moralde para mabigyan ng karampatang atensyong medikal subalit sa tindi ng tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan ay hindi na nito kinaya pa at nalagutan ng hininga.

Dahil dito nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay si PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil sa naulilang pamilya ni Moralde at tiniyak nito ang malalimang imbestigasyon hinggil sa motibo ng kalunus-lunos na insidente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us