Pansamantalang sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang kautusan nito hinggil sa pag-aalis o pagbubura ng tattoo sa mga pulis.
Ito, ayon sa PNP, ay dahil sa kailangan munang pag-aralan ang epektong dulot ng pag-alis ng tattoo partikular na sa kalusugan ng mga pulis na mayroon na nito.
Pero ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, umiiral pa rin ang pagbabawal sa pagkakaroon ng tattoo para sa mga papasok sa pagkapulis.
Kabilang na ito ang mga papasok bilang kadete sa Philippine National Police Academy (PNPA) gayundin ang mga sasailalim naman sa recruitment training.
Una nang ipinaliwanag ng PNP na matagal nang panuntunan sa kanilang hanay ang pagbabawal ng tattoo dahil pagpapakita ito ng disiplina gayundin ng kalinisan sa pangangatawan. | ulat ni Jaymark Dagala