Nakatakdang lagdaan ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng National Amnesty Commission (NAC) at Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagpapatupad ng Amnesty Proclamation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga dating rebelde.
Sa abisong inilabas ng NAC, isasagawa ang seremonyal na paglagda ng kasunduan sa Mayo 30, sa pangunguna ni NAC Chairperson Leah C. Tanodra-Armamento at PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.
Nakatakda ring magbigay ng pahayag ng pagsuporta sa kasunduan sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos, Jr. at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito G. Galvez, Jr.
Ayon sa NAC, nakasaad sa kasunduan ang pagtulong ng PNP sa “vetting” ng mga aplikante para amnestiya sa local at national level.
Kasabay nito, kikilalanin din ng PNP ang mga safe conduct pass na ipagkakaloob ng NAC sa mga aplikante upang mapanatag ang kanilang loob na hindi sila aarestuhin habang pinoproseso ang kanilang aplikasyon, maliban para sa mga krimen na hindi saklaw ng amnestiya. | ulat ni Leo Sarne