Pinalutang ni Senadora Cynthia Villar ang posibilidad ng pagpapatupad ng population control para sa mga ligaw na aso at pusa.
Binanggit ito ng Senate Committee on Agriculture chairperson Senadora Villar sa naging pagdinig ng Senate Committee on Agriculture tungkol sa panukalang palakasin ang Animal Welfare Law ng bansa.
Pinahayag kasi ni Villar ang pagkabahala niya sa lumalaking populasyon ng mga ligaw na aso’t pusa sa bansa.
Aniya, nagiging banta na ito sa kalusugan ng mga tao dahil kaakibat ng pagdami ng mga ligaw na aso’t pusa ang banta ng pagkalat ng mga sakit na rabies, leptospirosis at iba pang parasites.
Inusisa naman ni Senadora Grace Poe ang pagkakaroon ng sapat na animal welfare programs at kung may de-kalidad na veterinary healthcare services sa mga komunidad sa bansa.
Napapaulat kasi aniya ang kakulangan ng veterinary personnel sa mga maliliit na munisipalidad sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion