May solusyon na ang pamahalaan para maibaba ang presyo ng bigas.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na natalakay na ang usapin sa Bicameral Committee ng Kongreso na inaasahang magsisilbing solusyon upang makamit ang price decrease sa bigas.
Sinabi ng Pangulo na mag-i-import pa din ng bigas ang pamahalaan at magiging bahagi ito ng hakbang para mapababa ang presyo ng nasabing commodity.
Kapag mataas ang presyo, dito, sabi ng Pangulo, maglalabas ng bigas ang pamahalaan para ibenta ng mas mababang presyo sa merkado.
Sa ngayon ay isinasapinal pa aniya kung anong ahensya ng gobyerno ang bibigyan ng awtoridad para makapag-import ng bigas. | ulat ni Alvin Baltazar
#RP1News
#BagongPilipinas