Nagsalita na si Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos kaugnay sa patuloy na pag-atake sa First Family.
Sa isang ambush interview sa pagpapatibay ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, sinabi ni Rep. Marcos na sanay na siya at ang kaniyang ama na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga pag-atake dahil matagal na rin naman sila sa politika.
Kaya’t hindi na aniya bago sa kanila ang “mudslinging.”
Ngunit aminado ito na hindi gaanong sanay o naninibago ang kanyang ina na si First Lady Liza Araneta-Marcos sa ganito.
Aniya pa, ang paglalabas ng saloobin ng kaniyang ina sa isang panayam ay dahil sa pinoprotektahan lamang nito ang kaniyang asawa.
“…to tell you the truth, ako sanay na ako eh. I’ve been in politics long enough to know that that’s how the game works. And my dad, same thing naman. It’s nothing new. There have always been accusations hurled. There has always been mudslinging. So, that’s nothing new. My mother is not quite as used to it as we are, as the both of us. So, you know, her reaction, from that interview, I think that you’ve all seen, is, I guess, one of a wife who is being protective of her husband. So, I think we can sympathize in that sense.” sabi ni Rep. Marcos
Tumanggi naman nang magkomento si Rep. Marcos nang hingan ng reaksyon ukol sa mga banat ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, gaya ng paggalang sa nakaupong presidente ay naniniwala siyang dapat ring igalang ang mga nakaraang chief executive ng bansa.
“I’m not gonna comment on any statements of any former presidents because I don’t think it would be appropriate. I still think, given that they are former heads of state, that they should be afforded the same respect that the current head of state should be afforded as well.” ani Rep. Marcos
Nang matanong kung ano ang Mother’s Day message para sa ina, sinabi ni Rep. Marcos na hiling niyang huwag na itong masyado maging magagalitin.
“I hope huwag siya magalit ng masyado. Not to be so mad anymore. Like I said, I think naninibago lang siya. And she’s not used to being exposed to this kind of publicity. So, I understand naman where she’s coming from.” Saad pa ng Ilocos Norte solon. | ulat ni Kathleen Forbes