Presyo ng galunggong sa Commonwealth Market, tumaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matumal ngayon ang bentahan ng isdang galunggong sa Commonwealth Market.

Tumaas kasi ₱20 ang kada kilo ng presyo ng galunggong.

Depende sa laki ang bentahan, pinakamura ang ₱120 kada kilo, habang aabot naman sa ₱200 ang presyo kada kilo ng malaking GG.

Ayon sa ilang nagtitinda, nakaapekto sa presyo ng isda ang mga pag-ulang dulot ng bagyong Aghon.

Maging ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), aminadong may taas-presyo sa galunggong dahil maging sa kanilang price monitoring ay sumirit ang presyo ng galunggong hanggang sa ₱240/kg.

Sa kabila nito, tiniyak ng BFAR na walang dapat ikabahala sa iba pang uri ng isda dahil sapat ang suplay at mababa ang presyo ng mga ito.

Sa Commonwealth Market, mabibili sa ₱160 ang kada kilo ng Tulingan, ₱180 ang kada kilo ng Bangus, habang ₱400 ang kada kilo ng suahe.

Samantala, maging ang sektor ng Pangisdaan ay may naitala ring pinsala dulot ng bagyong Aghon.

Batay sa datos ng BFAR, nasa isang milyong piso ang halaga ng pinsala sa sektor lalong-lalo na sa Region 5. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us