Presyo ng ilang agri commodities, bumaba sa unang bahagi ng Mayo

Facebook
Twitter
LinkedIn

May tapyas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa, partikular sa agricultural commodities sa unang bahagi ng Mayo, base sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kabilang sa bumaba ang presyo ay ang bigas, itlog, at pati ang galunggong.

Ayon sa PSA, bumaba sa ₱56.52 ang presyo ng kada kilo ng well milled rice sa unang bahagi ng Mayo.

Bahagyang bumaba rin ang presyo ng medium sized na itlog na nasa ₱8.51 ang kada piraso mula sa ₱8.68 na presyo noong unang bahagi ng Abril.

Malaki naman ang ibinaba sa presyo ng galunggong na nasa halos ₱9.00 ang tapyas kumpara noong Abril. Nasa ₱195.41 ang kada kilo nito sa unang bahagi ng Mayo mula sa ₱204.49 na kada kilo noong unang bahagi rin Abril.

Samantala, tumaas naman sa ₱124.13 ang average retail price ng kada kilo ng Baguio beans mula sa ₱105.82 kada kilong bentahan noong Abril.

Habang mayroon ding naitalang bahagyang pagtaas sa presyo ng kada kilo ng refined sugar sa unang bahagi ng Mayo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us