Pribadong sektor, tumataas ang kumpiyansa sa Pambansang Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumalawak na ang suporta at kumpiyansa ng pribadong sektor sa itinataguyod na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nitong Martes, pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang groundbreaking para sa isang 4PH project sa Imus, Cavite kung saan makakatuwang na rin ang PH1 World Developers na real estate arm ng Megawide Construction Corporation.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang pagpasok ng Megawide Construction Corporation sa naturang 4PH project ay isang malinaw na indikasyon ng pagtitiwala ng private sector sa programang pabahay ng pamahalaan.

Dagdag pa ng kalihim, nagpapakita ito na nasa tamang direksyon ang 4PH para matugunan ang problema sa pabahay sa bansa.

“It will significantly contribute to the current administration’s objective of addressing the country’s housing need by providing Filipino families with safe, decent, and affordable housing in sustainable communities,” ani Acuzar.

Sa ilalim ng 4PH project sa Imus, target na magtayo ng mid-rise residential community na may higit 1,000 housing units. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us