Proactive move ng liderato ng Kamara upang paghandaan ang La Niña Phenomenon at posibleng pagbaha sa bansa, pinuri ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Jannette Garin ang proactive action ni House Speaker Martin Romualdez upang paghandaan ang La Niña Phenomenon at banta ng pagbaha sa bansa.

Ginawa ni Garin ang pahayag kasunod ng naging high level dialogue ni Speaker Romualdez sa mga top officials ng gobyerno  na naglalayong pagibayuhin ang  kanilang pagsisikap sa possible pagbaha bunsod ng La Niña.

Sa daily press conference sa Kamara., sinabi ng lady solon na mahalaga na ginawa ng liderato ong kapulungan para mabuo ang kolaborasyon ng mga government agencies at ng Kamara.

Nagpasalamat din ito kay Speaker Romualdez na handang makinig sa pangangailangan at nararapat na solusyon sa darating na tag ulan. Sa naganap na high-level dialogue tiniyak ni Speaker Romulades ang “all out support” ng House of Representatives  sa anti flood initiatives ng mga concerned government agencies. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us