Publiko, hinikayat na makiisa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) – National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa isasagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na buwan.

Batay sa abiso ng NDRRMC, isasagawa ang naturang Earthquake Drill sa June 28, ganap na ika-2 ng hapon.

Layon ng naturang Earthquake Drill na mahasa ang kamalayan ng publiko sa mga dapat gawin sa sandaling tumama sa bansa ang pinangangambahang Magnitude 8 na lindol o mas kilala sa tawag na the Big One.

Una rito, inihayag ni OCD Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na gagawin nilang “level-up” ang mga susunod na pagsasanay na may kinalaman sa lindol.

Ibig sabihin, asahan na ang mga bagong scenario na kanilang idaragdag upang pataasin pa ang kamalayan ng publiko sa pagtugon sa kalamidad.

Magugunitang ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kung hindi magiging handa ang publiko lalo na ang mga taga-Metro Manila sa pagtama ng malakas na lindol, posibleng pumalo sa 48,000 ang masawi dahil dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us