QCPD,bumuo ng task group para mag imbestiga sa pagpatay sa LTO Official

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay QCPD Director, PBGeneral Redrico Maranan, ang SITG “GUTIERREZ” ay pamumunuan ni QCPD Acting Deputy District Director for Operations PCol Amante Daro.

Aalamin ng task group ang tunay na motibo sa pagpatay sa LTO official at matukoy at maaresto ang mga salarin.

Sa imbestigasyon ng QCPD, dakong alas 6:20 kagabi ng pagbabarilin ng di kilalang gunman na sakay ng motorsiklo si Gutierrez sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Naisugod pa ang biktima sa East Avenue Medical Center bago namatay.

Sabi pa ni General Maranan na isasaalang-alang ng SITG “GUTIERREZ” ang lahat ng relevant information upang matiyak ang dahilan sa likod ng pamamaril.

Sisiguraduhin ng QCPD na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng LTO Official.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us