Hinirang ang radio plug na “Magsasaka ‘Lang’ Po” ng Radyo Pilipinas o RP1 Lucena bilang Most Development-Oriented Radio Plug sa 18th University of the Philippines o UP Gandingan Awards, nitong Sabado sa UP Los Baños.
Ang pagkilala ay tinanggap ni RP1 Lucena Broadcast Program Supervisor Dik Cantos, sa ngalan ng himpilan.
Taon-taon, kinikilala ng UP Gandingan Awards ang mga programa at personalidad sa telebisyon at radyo na nagsusulong ng kaunlaran.
Ngayong taon, “Agrikultura: Mga Kuwento ng Hamon at Pag-asa” ang sentro ng Awards.
Mahigit 200 entries mula sa nasa tatlumpong media entities ang tinanggap ng Community Broadcasters Society o ComBroadSoc, ang organizer ng UP Gandingan Awards.
Ang mga nanalo ay pinili ng mga mag-aaral, propesor, at eksperto sa UPLB. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena