RCEF, ipinapanukala na itaas sa P15-B at palawigin pa ng anim na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasama sa panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law na itinutulak ng Kamara na itaas sa P15 billion ang pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Pagbabahagi ni Agriculture and Food Committee Chair Mark Enverga ng bersyon ng Kamara, mula sa kasalukuyang P10 billion na RCEF ay gagawin na itong P15 billion.

Palalawigin din ang implementasyon nito ng dagdag na anim na taon.

Oras na maisakatuparan, ang 53.5 percent ng pondo ang ilalaan sa Rice Farm Mechanization and Equipment na ngayon ay nasa 50% lang; mula naman 30% ay magiging 29.7% ang bahagi para sa Rice Seed Development, Propagation and Promotion; 6% ang mapupunta sa Expanded rice Credit Assistance at 3% ang sa Rice Extension Services.

Paglalaanan ng 4% ang soil health improvement, 2% ang sa pest and disease management, at may 1.5% para sa rice industry development program management office.

Sakali naman na hindi maabot ang P15 billion na pondo ang DBM ang siyang magdaragdag dito. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us