Muling pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red at Yellow Alert status sa Luzon at Visayas grid ngayong araw.
Batay sa abiso, isasailalim sa Red Alert status ang Luzon grid:
Red ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
2:00PM-5:00PM
8:00PM-9:00PM
At Yellow Alert status naman simula:
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
12:00PM-2:00PM
5:00PM-8:00PM
9:00PM-12:00AM (May 28)
Habang isasailalim naman sa Yellow Alert status ang Visayas Grid:
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
3:00PM-4:00PM
6:00PM-7:00PM
Ayon sa NGCP, ang pagpapalawig ng mga alert status na ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng kapasidad ng planta ng Sual 2 at sa inaasahang pagtaas ng demand sa kuryente.
Panawagan ng NGCP sa publiko na magtipid ng kuryente upang makatulong sa pagpapatatag ng sistema ng kuryente sa bansa.| ulat ni Diane Lear