Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid, pinalawig pa ng NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig pa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red Alert at Yellow Alert status sa Luzon grid ngayong araw.

Batay sa abiso, pinalawig pa ang Red Alert status simula 1 PM hanggang 5 PM.

Habang ang Yellow Alert status naman ay extended simula 12NN hanggang 1PM, at muling ipatutupad simula 5PM hanggang 6PM, at 10PM hanggang 12 MN.

Ayon sa NGCP, ang pagpapalawig na ito ay dahil sa pagnipis ng supply ng kuryente ng ilang power plants gaya ng Sual 1, Sual 2, at Magat Hydro, at pagtaas ng demand.

Samantala, posibleng magpatupad ng Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout ang NGCP sa ilang bahagi ng Bataan, Albay, Batangas, at sa ilang franchise area ng Meralco mula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon.

Ang Manual Load Dropping ay posibleng ipatupad upang mapanatili ang integridad ng power system sa Luzon Grid. Gayunpaman, maaari itong makansela kung bumuti ang sitwasyon ng kuryente. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us