Magpapatuloy ang regular na pagpapatrolya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng idineklarang “unilateral fishing ban” ng China na sumaklaw sa ilang bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa programang “Bagong Pilipinas Ngayon” sa PTV.
Ayon kay Padilla, regular ang isinasagawang maritime patrol ng Philippine Navy at Philippine Air Force na may koordinasyon sa Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Giit ni Padilla, ang mga aksyon na ito ay alinsunod sa Konstitusyon at prinsipyo ng pambansang soberanya.
Tiniyak naman ni Padilla na may “contingency plan” ang AFP kung sakaling tumaas ang tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas sa WPS. | ulat ni Leo Sarne