Regulasyon ng Paluwagan system, pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa regulasyon ng Paluwagan system.

Nasa 231 na mambabatas ang bumoto pabor sa House Bill 10284 kung saan bubuo ng Community Paluwagan Administration.

Magsisilbi itong independent agency sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyang tututok sa regulasyon ng pagtatag at pagpaparehistro ng mga paluwagan, at mangangasiwa ng kanilang operasyon.

Isinusulong din ng panukala ang konsepto ng “pag-iimpok,” pagkakaroon ng accountability, at pagtiyak na ang mga miyembro, lalo na ang vulnerable sector ay may “access” sa kinakailangang pera.

Inaasahan na pamamagitan ng panukala ay maiiwasan nang mabiktima ang mga sumasali sa Paluwagan na natatakbuhan at hindi na nababawi ang kanilang ibinigay na pera. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us