Rekomendasyon ng House Committee on Ethics ukol sa reklamo kay Rep. Alvarez, isusumite na sa Committee on Rules

Facebook
Twitter
LinkedIn

Unanimous ang naging desisyon ng House Committee on Ethics and Privileges ukol sa ipapataw na parusa kay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

Ayon kay COOP-NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, Chair ng komite, ngayong aprubado na ng Komite ang rekomendasyon ay maaari na nila itong ipasa sa House Committee on Rules upang masama sa calendar ng mga tatalakayin sa plenaryo.

Sa hiwalay namang panayam kay Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, Vice-chair ng komite, ang inirekomenda nilang rekomendasyon ay kailangan pang maiakyat sa plenaryo at pagbobotohan doon ng mga miyembro ng kapulungan.

Sabi naman ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Chairperson ng House Committee on Rules kung maisumite ng Ethics Committee ngayong hapon ang committee report ay agad nila itong aaksyunan upang maisalang sa plenaryo ngayong hapon o kaya naman ay bukas.

Ang reklamo kay Alvarez ay dahil sa ‘disorderly behavior’ mula sa reklamo ni Tagum Mayor Rey Uy.

Partikular dito ang umano’y libelous at seditious remarks ni Alvarez gaya ng paghimok sa unipormadong hanay na bawiin ang suporta kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us