Nag-abiso muli ang National Grid Corp of the Philippines (NGCP) na isasailalim na naman sa Yellow Alert ang Luzon Grid simula mamayang hapon.
Epektibo ito mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon o tatagal ng isang oras.
Ito ay bunsod pa rin ng kakulangan sa reserba sa kuryente matapos na umabot sa 1369.3MW ang natukoy na unavailable ngayon sa grid.
Sa ngayon, nasa 15,115 megawatts ang available capacity sa Luzon Grid habang ang peak demand ay 13,818 megawatts.
Normal naman sa ngayon ang estado ng Visayas Grid na may available capacity na 2,610 MW at Mindanao Grid na 2,991 ang generating capacity. | ulat ni Merry Ann Bastasa