Sa pamamaigtan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Mababang Kapulungang ang House Resolution 1650 na humihimok sa DEPED na bumalik sa lumang school calendar.
Batay sa resolusyong iniakda ni House Committee on Basic Education and Culture chairperson at Pasig Rep. Roman Romulo, mulaing magsisimula ang pagbubukas ng klase para sa basic education sa Hunyo at magtatapos naman sa Marso.
Una nang inihayag ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nais niyang maibalik ang lumang school calendar para sa 2025.
Sa nakaraang pagdinig ng Komite ay sinabi ng DEPED na naisumite na nila sa Office of the President ang kanilang proposal para sa pagbabalik sa June to March school calendar.
Ang mga panawagan ay dahil na rin sa matinding init ng panahon na iniinda ng mga estyudante at guro.| ulat ni Kathleen Forbes