Welcome kay Finance Secretary Ralph Recto ang pinakahuling resulta ng March Labor Force Survey kung saan patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho.
Ayon kay Secretary Recto, ang strong labor market improvements ay patunay na patungo na sa mas inclusive ang ekonomiya ng bansa na maghahatid ng de kalidad na trabaho sa mga manggagawang Pinoy.
Aniya, ipinapakita lamang ng naturang survey ang tibay ng Philippine economy na kayang umunlad sa kabila ng mga hamon.
Base sa March 2024 survey patuloy ang pagbaba ng unemployment rate sa 3.9 percent mula sa 4.7 percent, ibig sabihin nasa 416,000 ang unemployed persons habang nasa 49.2 million naman ang may trabaho ngayong March 2024; mas mataas sa 48.6 million noong March 2023
Diin ng kalihim, epektibo ang ginagawa ng pamahalaan na mga polisiya at interventions upang mas makalikha ng trabaho na magpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz Reyes