Rice retailers sa Pasig City Mega Market, umaasang mapababa ang presyo ng imported rice sa sandaling matuloy ang planong bawasan ang taripa rito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang mga tindero ng bigas sa Pasig City Mega Market na makatutulong ang planong bawasan ang ipinapataw na taripa sa mga imported na bigas upang mapababa ang presyo nito.

Ayon sa ilang nagtitinda ng bigas, ito’y dahil sa nananatiling mahal ang imported rice na ibinabagsak ng kanilang mga supplier gaya ng Thair rice na nasa ₱58 ang kada kilo, Japanese rice na nasa ₱60 ang kada kilo, at Vietnam rice na nasa ₱60 kada kilo.

Subalit, umaapela ang mga tindero ng bigas sa pamahalaan na dapat bantayan ang mga malalaking rice trader na posibleng magsamantala sa sitwasyon.

Nakadepende kasi anila ang presyuhan ng bigas sa mga pamilihan sa mga isinusuplay naman ng mga rice trader.

Una nang ipinanukala ng Department of Finance (DOF) na bawasan ang ipinapataw na taripa sa imported rice upang makatulong sa inflation. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us