Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpupulong kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan.
Ito ay upang bumuo ng Metro Manila Road Safety Action Plan 2024-2028 na layong mabawasan ng 35% ang mga namamatay dahil sa aksidente sa kalsada sa Metro Manila pagdating ng 2028.
Batay sa datos, mayroong mahigit 92,000 aksidente sa kalsada kada taon sa nakalipas na dekada, na nagresulta nasa 410 na namamatay kada taon.
Kaya naman, puspusan ang pagtutulungan ng MMDA, Department of Transportation, World Health Organization, at The Policy Center para mas mapabuti ang kaligtasan sa mga kalsada sa Metro Manila.
Ang Metro Manila Road Safety Action Plan 2024-2028 ay nakatuon sa limang pangunahing aspeto gaya ng road safety management, safer roads, safer vehicles, safer road users, at post-crash response.| ulat ni Diane Lear