Sapat na suplay ng bigas, tiniyak ng DA sa kabila ng bahagyang pagbaba sa lokal na produksyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa para sa buong taon sa kabila ng bahagyang pagbaba sa lokal na produksyon.

Kasunod ito ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan bumaba sa 4.68 MMT ang rice production mula Enero hanggang Marso mula sa 4.78 MMT sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, hindi ito lubos na makakaapekto sa inaasahang volume ng produksyon sa buong taon dahil maliit lang naman ang diperensya nito sa ngayon.

Dagdag pa nito, may paparating ding wet season na kadalasang mas malaki aniya ang produksyon.

Sa kasalukuyan, tuloy tuloy na rin naman ang pag-agapay ng DA sa mga magsasaka lalo sa mga apektado ng El Niño para maihanda na ang kanilang mga lupain para sa wet season.

Kabilang dito ang pamamahagi ng seedlings, pataba at fertilizer vouchers, at mga makinarya.

Bukod naman sa lokal na produksyon, tinukoy rin ni Asec. De Mesa ang pag-aangkat ng bigas na tuloy tuloy rin para masiguro ang sapat na suplay sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us